To you! (you should know who you are)
Bakit? bakit kailangan kang makialam? kasali ka 'te? di ko magets kung bakit lagi na lang nakikisawsaw ka sa lahat ng issues ng ibang tao kahit di ka naman involved? Kailangan ba parati mong alam nangyayari sa buhay ng may buhay? Perpekto ba buhay mo para pagaksayahan mo ng panahon ang pakiki-epal sa buhay ng ibang tao? at nandon ka ba? nakita mo ba? lahat ba ng ikinuwento sa yo tama? Sigurado ka ba na yon nga talaga ang tunay na nangyari?
Ito lang ha...sinasabi mo na kaibigan ka, pero kinakaibigan mo lang yon tao para makakuha ka ng bagong scoop. tapos lahat ng sinabi sa yo ng taong yon, pinagsabi mo naman sa iba. anong tawag don? Ito pa, magcocomment ka ng di maganda sa ibang tao dahils sa sinabi ng source ng tsismis mo...e wala ka ngang idea kung ano nangyari e. E pati nga yon source mo, wala din alam...hayy naku, nakaka-stress kayo!!!!
Wag nyo akong yabangan sa mga yaman at pera nyo. Dahil kahit nakadamit ka pa ng ginto, kung ganyan ugali mo, lalabas at lalabas din ang kapangitan ng ugali mo. At isa pa, lahat ng naririnig mo na akala mong galing sa kin, ipagtanong mo muna ng maigi. Hindi lang ako ang nagsasabi non, marami na. matagal na nilang napapansin yon, di lang nila alam kung ano ang tawag sa ganon ugali. wala pa ko dito, ganyan na ang tingin nila sa yo. takot lang sila magcomment kasi nga friend mo daw sila (yeah, right!).
Kung may galit ka sa kin, wag kang duwag! sabihin mo ng harapan. Hindi kung kani-kanino mo pa idadaan. Maliit lang ang mundo at makakarating din sa kin lahat ng mga pinagsasabi mo. Ang tatanda na natin. Ang tanda mo na. Lahat ng mga bagay na ganito, pwede ng pagusapan. O kung mas ok sa yo, suntukan na lang tayo sa wall. papa-video ko pa!
Sa susunod, bago ka makialam, isipin mo muna mabuti. Ayusin mo muna mga problema mo..tapos ayusin mo problema ng mga kamag-anak mo..tapos yon problema naman ng kapitbahay nyo...ihuli mo na yon mga problema ko. Di ka naman parte non e. Ni hindi nga na-mention pangalan mo e. Wag ng pakialamera. Wag ng tanong ng tanong. Pag hindi kasali, wag ng ipagsiksikan ang sarili. Kung gusto mo ng pakikialaman, ang daming problema ng pilipinas, yon ang pakilaman mo. Makakatulong ka na, sasaya ka pa kasi nagawa mo nyon hobby mo. di ba?
o yan lang. huli na to. Di na nakakatulong sa buhay ko ang pakikipag-dwelo sa yo. Basta tatandaan mo lang, di lahat ng bagay sa mundo, kailangan ka. just mind your own business. yon lang.
peace out!
No comments:
Post a Comment