Wednesday, April 6, 2011

Top 10 Things I will Tell My Old Self

Inspired by the Top 10 TMR of RX, I have written my own version of WHAT TO TELL MY OLD SELF (lets see how liberating this would be):

10. Kung nag-aral ka mabuti at di ka puro gimik nong highschool ka, e di sana umabot ka sa kailangan weighted average para makapasok sa La Salle. (pero ok na rin, enjoy ka naman sa pagiging kolehiyala mo)

9. Sana nong sumesweldo ka na, nag-enroll ka na sa gym para ngayon, 24 na waistline mo. (mag-settle ka na lang sa waistline mo ngayon, hot ka pa din naman).

8. I'm so proud of you, naka-date mo si Nino Mulach (akala nya kasi kasing ganda mo si Beth Tamayo porke school mates kayo dati), naging fling mo si Zig Diaz (Jaloux nights, lasing ka at di mo alam na anak pala siya ni Romy Diaz) , hiningi pangalan at number mo ni John Apacible (dedo na nga lang sya) at lastly, boyfriend mo ngayon, dating Ang TV star. Pang-showbiz ka neng!

7. Doctor na ang ex-bf mo nong college. Dapat kasi nagpakadalubhasa ka na lang sa kanya, e di sana libre na pagpapagamot mo at ng buong pamilya mo. (ok lang, nambababae naman yon e. kawawa naman asawa nya)

6. Sana you gave priority to him, e di sana magkasama pa din kayo ngayon. Di ka namromroblema sa mga bagay-bagay sa buhay mo! (Hayy naku, basta ako, maka-graduate lang ang pamangkin ko, ok na ko...pangit nya ha!)

5. Dapat naghanap ka pa ng ibang trabaho dati, 5 taon ka na dyan, wala naman nangyayari sa career mo! (kaya ko pa...kinakaya ko pa!)

4. Magipon ka ng pera. Kailangan mo magpunta ng ibang bansa ngayon taon na to. Sayang naman passport mo. Nakatago na lang sa baul mo. Lumarga ka naman!

3. Tigilan mo kakaisip kung paano ka pa papayat. Di ka na papayat pa. Hanggang ganyan na lang talaga. May edad ka na at mabagal na ang metabolism mo. Basta, wag mo lang tigilan ang pag-eexercise at dapat hinay hinay lang sa pagkain. Basta nagkakasya ka sa damit mo, magaan ang pakiramdam mo at di ka nagkakasakit, ok na yon.

2. Marami kang kaibigan, sa dami ng kaibigan mo, dapat alam mo na kung sino ang tunay at hindi. Wag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga walang kwenta mong kaibigan at bigyan mo ng halaga yon mga totoo sa yo. (oo nga naman, di sila kawalan!hmp!)

1. You are not alone. You have people who loves and cares for you very much. Let them love and care for you the way they can. Dont expect too much from them. Do not demand them to love and care for you the way you want them to. Love and care for them back.

No comments:

Post a Comment