...di nagkakaron ng period every month. di sumasakit ang puson dahil sa menstrual cramps at di tinatagusan pag nagkamali ng upo.
...di nabubuntis. di kailangan maglihe ng ilang buwan. di tataba dahil sa paglilihi. di namamanas. di lumalaki ang ilong at umiitim ang mga ibang bahagi ng katawan...
...pag nagloko, pwedeng idahilan na lalake sila. kahit ilan ang syotain nila ng sabay-sabay, macho pa tingin sa kanila.
...pwedeng umagahin sa daan. pwedeng umuwi ng lasing.
...pwedeng sumabit sa jeep.
...pwedeng umalis ng bahay na di pa nagsusuklay. gusot ang damit at walang dala.
...walang ginagawa sa bahay.
...pwedeng makipagsapakan pag gusto nila. makakahanap pa ng reresbak.
...walang pakialam kung naka-ilang extra rice na sila.
...kahit anong bukaka, di nasisilipan.
...pwede na rin ang naghihikaw, nagmamanicure na itim, nagpapalda na checkered at nagski-skinny jeans.
...pag skin-head, di na kailangan ng shampoo at conditioner. mabilis nakakatapos maligo.
...pagbyahe, konti lang dala. pwede kasi mag-ulit ng pantalon at ng shorts.
...ok lang na makalat ang gamit. kahit di maglinis ng ilang taon, wala silang pakialam.
...at higit sa lahat: MABUTI PA ANG LALAKE, HINDI NABABAGO ANG APELYIDO PAG NAGPAPAKASAL!
No comments:
Post a Comment