Tuesday, April 26, 2011

Gym Etiquette

Ive been with Fitness First for 2 years. I went to more than 5 branches already, here and in Singapore. New members are joining in the health trend and that is just awesome. BUT, there are just some annoying things that people do at the gym that makes me wonder: DON'T YOU READ THE RULES AND REGULATIONS OF THIS FITNESS CLUB, YOU DUMB TURD?

1st...this is a fitness club. hindi po ito tiangge. nagbabayad ka ng monthly membership mo para magbenta ng fake na sports clothes, biscuits, banana bread, pabango, make-up, bra, panty at kung ano-ano pa? at naka-gym attire ka pa! 'te, ilang calories ang nabu-burn sa pagtitinda?

2nd...ang mga sofa sa loob ng locker room ay hindi kama. Sa dami ng mga nag-gygym at napapagod, tulad mo, gusto din naman namin maupo. pero kung nakahilata ka, saan kami magpapahinga? e kung upuan na lang namin yon mukha mo?

3rd... ang sauna at steam room ay para sa lahat. Pag alam mo naman na medyo matao, wag ka ng humiga at mag-feeling na nasa beach. pare-pareho tayong nagbabayad kaya wag ka maginarte. Move your fat ass! At hello, kung bubuhusan mo yon stones para maging parang impyerno ang init sa loob ng sauna, siguraduhin mo lang na di ka aalis agad..ikaw naglagay, ienjoy mo ang init!

4th...wag kayong humarang! lalo na sa entrance, sa kuhanan ng tubig o sa lababo. kailangan ba talaga na sa mga lugar na to magchikahan?

5th...3 lang ang blower sa bawat fitness club. wag magswapang. pag tuyo na ang buhok, lumayas ka na sa kinatatyuan mo at meron pang ibang gagamit. ang laki laki ng locker room, gusto mo sa may blower pa maglagay ng make-up!

6th...READ: PLEASE DO NOT PLACE YOUR THINGS INSIDE THE SHOWER ROOMS. OTHER MEMBERS MAY NEED TO USE IT. Sige, isusuggest ko sa manager na itagalog o kaya isalain sa ibang language. baka maintindihan mo!

7th...boys! men! boys! (o sige na, pati na din sa pawisin na mga babae) you sweat 3x more than us. kung tatakbo ka sa treadmill o gagamit ka ng bike o magbubuhat ka, at alam mo na kung pagpawisan ka e daig mo pa ang sprinklers ng malacanang, punasan mo yon mga talsik sa paligid mo. aba naman, nakakadiri kaya! kawawa naman kaming mga susunod na gamit. saan kami hahawak kung bawat sulok ng ginamit mong equipment ay may bakas ng pawis mo! yuck!!!!!!

8th...deordorant. maawa ka sa makakatabi mo pag bigla ka ng putukan. kung immune ka sa amoy mo, kami hindi. kaya for the well-being of others, put on some deordorant. may nabibili naman na nasa sachet na. P5 lang yon! sandali mo lang gagawin yon paglagay. parang awa nyo na...

9th...no offense sa mga bading. pero naman, di naman kailangan na mag-ingay pa habang nasa group exercise. di naman ito comedy club. you are distracting alot of people. oo, nakakatawa yon mga side comments nyo, mga inarte nyo sa floor, pero pag OA na, swear, nakakairita!

10th...wag ka ng maglagay ng make-up bago ka mag-work out. kasi pag pinagpawisan ka, kakalat yon eyeliner mo at magmumukha kang zombie. e di yon crush mo na dahilan ng masigasig mong pag-aayos ay lalong matu-turn off sa yo. payong kaibigan lang naman.

11th...walang pakialamanan! talagang maiksi ako magshorts, tumatakbo ako sa treadmill na labas ang cleavage ko, nagtatanggal ako ng damit sa harap ng maraming tao para magbihis ng pang-gym. di ko alam kung bakit, tingin ka ng tingin sa kin. comfortable kasi ako sa katawan ko. try mo din, para matigil yon inggit mo.

12th...wag kang siga. di porke kilala mo yon mga instructors o kaya yon mga PT o kaya yon manager, pwede mo ng gawin yon gusto mo kahit nakaka-abala ka. pakita mo sa kin na pagaari mo yon club at mananahimik ako. che!

hayyy..kung bawat pagkairita ko sa mga bagay-bagay sa loob ng gym ay makakabawas ng 10 pounds sa katawan ko, baka buto't balat na ko ngayon.

No comments:

Post a Comment